Wednesday, August 31, 2016

CURACHA: Ang Babaeng Walang Pahinga

CURACHA: Ang Babaeng Walang Pahinga ay kwento ng isang babae sa katauhan ni Curacha bilang isang torera. Corazon ang tunay niyang pangalan ngunit binansagan siyang “Curacha” ng kanyang mga kasamahan dahil sa galing nito sa pakikipagtalik sa live performance na kanyang pinagkakakitaan. Hindi niya ninais maging isang torera ngunit dito siya dinala ng tadhana sapagkat ang kanyang mga kamag-anak ay sa pagtotorera din nabuhay.

Si Curacha ay sumisimbolo sa ating bansang Pilipinas. Bakit? Nakita ko, na kung sino-sinong lalaki ang gumagamit ng pagkababae nya. Ang lahat ng parte ng katawan nya ay na-explore na ng kung sino-sinong lalaki. Kagaya ng bansang Pilipinas, lahat na ata ng lugar ay napasok o napuntahan na ng mga dayuhan. hindi lamang ito, kung minsan ay linalapastangan pa ito ng mga dayuhan. Simula pa noong masako tayo noon at magpasahanggang ngayon na malaya na ang bansa, may mga dayuhan na lumalapastangan sa bansa.

Mapapansing ang pelikula ay hindi masyadong gumamit ng ilaw. Marahil ipinapakita na nasa madilim na bahagi ng kanyang buhay si Curacha. Dagdag pa na nasa panahon ng martial law si Curacha, kagaya sya ng ating bansa na gustong kumawala sa madilim na pangyayari sa buhay nya.

Ang transparent na bag ay nangangahulugang wala ng dapat itago. Dahil sya ay isang torera, wala na syang maitatago sa mga tao. Wala na syang privacy dahil lahat na ng parte ng kanyang katawan ay nakita at napagnasahan na ng mga tao.

Sa nalalapit na pagtatapos ng pelikula ay nagtapos rin ang Batas Militar sa bansa sa pagdedeklara ng simula ng demokrasya. Kasunod nitong naganap ang pag-alis ni Myrna, matalik na kaibigan ni Curacha, papuntang probinsya lulan ng isang barko.

Samantala, habang papauwi si Curacha pagkahatid sa kaibigan, ay inaawit ang Lupang Hinirang.
Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan…
Ito ang ating pambansang awit. Malimit na tawagin Bayang Magiliw ng ating mga kababayan, ngunit ito ay pinangalanan Lupang Hinirang.

Kinakanta namin ito ng aking mga kakalase tuwing Lunes ng umaga. Kaya kinakailangan tumayo ng tuwid at ilagay ng maayos ang kamay sa dibdib habang ito ay inaawit, gaya ng kinakailangan na itaas ng 90 degrees ang kanang kamay sa Panatang Makabayan (na mas mahirap kabisaduhin). Noon, feel na feel ko ang pag-awit nito.

Ang pagbubukas ng Batas Militar ay sumisimbolo sa lahat ng pasakit at kasakiman na natikman ni Curacha. Samantala, ang pagdedeklara naman ng demokrasya ang siyang sumasalamin sa pagkakaroon ng pag-asa sa buhay niya. Ang Lupang Hinirang ay siya ring simbolo ng pag-asa kay Curacha na makawala sa dilim na kanyang pinanggalingan at pagbangon mula sa lahat ng sakit at hirap na kagaya ng ginawa ni Myrna na magbabagong-buhay sa probinsya.